Hinahanap na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nasa likod ng online scammers na humihingi ng pera para sa paggamot umanao ni Luis Antonio Cardinal Tagle.
Personal na nagtungo kasi sa NBI Anti-Cybercrime office ang pinsan ni Tagle na si Ramon Ramos para ireport ang scammers gamit ang Facebook Messenger nito.
Sinabi nito na nagpapanggap ang scammers na humihingi ito ng pera dahil nasa pagamutan umano ito.
Kasalukuyan kasi nasa Roma si Tagle matapos na italaga ito ni Pope Francis bilang prefect of the Congregation for Evangelization of People.
Naniniwala si Ramos na nakakulimbat na umano ang suspek ng ilang libong halaga ng pera mula mga biktima nito.
Sinabi naman ni NBI Anti-Cybercrime Division chief Victor Lorenzo na maaaring may na-click na link si Ramos kaya nakontrol ng mga scammers ang messenger nito.