-- Advertisements --
Lalong dadami pa ng bilang ng mga Filipino na papasok sa mga online selling kahit luwagan pa ng gobyerno ang ipinapatupad na quarantine sa bansa.
Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretaray Ramon Lopez, nakita ng maraming mga Filipino ang pagiging mabilis at madaling transaction ng nasabing mga online business.
Magugunitang tumaas ng bilang ng pumasok sa online selling mula ng ipatupad ang lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.
Inaasahan rin ng DTI na dadami pa ang bilang ng mga magbubukas na negosyo ngayon pakonti-konti ng binubuksan ng bansa ang ekonomiya.