-- Advertisements --
Tiwala ang Department of Trade and Industry (DTI) na lalo pang lolobo ang e-commerce ng bansa sa 2022.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez na itinuturing na na nagligtas ang E-commerce ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Mula ng magsimula kasi ang pananalasa ng COVID-19 noong 2020 ay tumaas ang bilang ng mga online sellers.
Mula online selling, delivery services, online entertainment, telehealth services, digital payments ay siyang malaking nakatulong sa ekonomiya ng bansa.
Target din ng DTI na umabot sa 1 milyon ang mga magpaparehistro ng online seller sa 2020 matapos na magtala na ng mahigit kalahating milyon noong 2020.