Nakatakdang simulan ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang online service nito para sa mga Pinoy seafarer sa July 1, 2024.
Ayon kay MARINA NCR Director Engr. Marc Anthony Pascua, ito ay bahagi ng pagnanais ng ahensiya na mai-streamline ang mga maritime-related process at applications para sa mga marino at mga stakeholders ng naturang sektor.
Ani Pascua, lahat ng mga proseso sa MARINA ay magiging online na kung saan pangunahing gagamitin dito ang QR code at iba pang online technology.
Inihalimbawa ni Pascua ang QR code bilang pinakamadaling paraan ng pag-check ng Phil Coast Guard(PCG) sa authenticity ng mga dokumento ng mga marino
Sa ganitong paraa ay mas madali at mas maiwasan na aniya ang pagkalat o paggamit ng mga pekeng dokumento.
Sa kasalukuyan, isinasapinal na aniya ng mga eksperto ng MARINA ang iba pang kakailanganin upang matiyak na maayos ang pagsisimula ng naturang proyekto.