Maaari ng isumbong ang naglipanang online shopping scams ngayong holiday season sa pamamagitan ng eReport feature ng eGov Super App.
Sa isang statement, sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) USec. David Almirol na ang pinakabagong feature ay ang e-commerce reporting para sa consumer protection ng Department of Trade and Industry (DTI). Natatanggap umano ng DTI Consumer Protection Office ang real-time reports at agad itong inaaksyunan.
Pinapadali naman ng bagong e-Report feature ang proseso ng pagsusumbong ng scam numbers sa pamamagitan ng pag-capture ng screenshot ng kahina-hinalang text message kasama ang numero ng sender na maaaring isumite ng user sa gobyerno sa pamamagitan ng eGov App.
Kaugnay nito, hinihimok ng DICT ang publiko na gamitin ang e-Report at eTravel features ng eGov Super App sa gitna ng inaasahang pagtaas ng mga krimen ngayong Christmas holiday.