Iniulat ng Bureau of Immigration ang matagumpay na paglulunsad nito ng kanilang online special study permit (SSP) application.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco ang hakbang na ito ay bahagi ng pinalawak na modernization efforts ng ahensya alinsunod sa bisyon ng ahensya.
Ang SSP ay isang permit para sa mga dayuhang estudyante na kabilang sa mga specific criteria.
Kabilang sa mga pamantayang ito ang pagiging mas mababa sa labing walong taong gulang, naka-enrol at natanggap sa isang non-degree course, naka-enroll at na-admit sa isang short course na wala pang isang taon, o pagiging isang trainee o intern na kinukumpleto ang kanyang degree course.
Ang mga naka-enroll sa aviation o flying school upang makumpleto ang kinakailangang bilang ng flying hours ay karapat-dapat din para sa nasabing permit.
Maaari na ngayong mag-apply ng permit sa pamamagitan ng online services portal ng BI sa e-services.immigration.gov.ph.
Ang bagong sistema na ito ay makatutulong upang mapabuti ang kahusayan at kaginhawahan ng pagkuha ng isang SSP.