-- Advertisements --

Balik na ang online transactions ng Philippine National Police-Civil Security Group’s online system.

Ito ay matapos na naayos na nila ang naganap na data breach noong Mayo 17.

Sinab ni CSG spokesperson Lt. Col. Eudisan Gultiano, na matitiyak na ngayon na ang Firearms and Explosives Office (FEO) online system ay mayroon ng mga bagong security features para maiwasan ang data breach.

Patuloy na rin silang tumatanggap ng mga aplikasyon ng firearms registration.

Mula kasi noong nakaraang linggo ng nakabalik na ang online transactions ay umaabot na sa 1,500 kada araw ang kanilang transactions ng gun license.