-- Advertisements --
Pansamantalang itinigil ng Quezon City Government ang kanilang online appointments ng mga nagnanais na magpaturok ng COVID-19 vaccines.
Ito ay matapos na nagkaroon ng matinding heavy traffic ang kanilang websites.
Ayon sa City Government ng Quezon city na tumaas bigla ang nagparehistro para sila ay maturukan ng COVID-19 vaccine mula ng ianunsiyo ang pagbubukas na ng vaccination sa mga nasa A4 category.
Hindi naman binanggit ng lungsod kung kailan ang muling pagbabalik ng kanilang online registration.
Tiniyak namang QC govenrment na agad nilang ipagpapatuloy ang online registration kapag nagbalik na sa normal ang kanilang website.