-- Advertisements --
Onyok
typhoon Onyok / Pagasa image

Tuluyan ng naging ganap na typhoon ang severe tropical storm Onyok at ito ay bahagyang bumilis.

Ayon sa PAG-ASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 510 kilometers north ng Basco, Batanes.

Ito ay gumagalaw patungong northwest sa bilis na 25 kilometers kada oras na may taglay na hangin ng hanggang 120 kph at pagbugso ng 150 kph.

Nananatili pa ring nasa tropical cyclone wind signal 1 ang Batanes at Babuyan Islands.

Inaasahan na tuluyan ng makakalabas ng bansa si Onyok sa Lunes ng gabi.