-- Advertisements --

DAVAO CITY – Hinimok ni Olympian boxer Mansueto “Onyok” Velasco ang mga pambato ng bawat rehiyon sa boxing sa Palarong Pambansa 2019 na paghusayan nang husto ang kanilang ipamamalas na performance.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Velasco na kung magkampeon ang isang student-athlete ay kanila na raw itong kukunin agad para ibilang sa national team.

Ayon pa sa 45-year-old Bago, Negros Occidental native, samantalahin daw dapat ng mga atleta ang pagkakataon gaya ng Palaro para patunayan ang kanilang potensyal sa sport.

Patuloy din aniya ang kanilang obserbasyon sa mga atletang maaaring magbigay ng karangalan sa bansa sa hinaharap.

Kaya naman, pinayuhan ni Velasco ang mga atleta na ayusin ang kanilang ginagawang pagsasanay at maglaro nang maayos.

“[Ang Palaro] ang umpisa sa mga boxer natin na may potensyal, kaya ‘pag nag-champion sila diyan, [kukunin sila] sa Philippine team kaagad,” wika ni Velasco.