-- Advertisements --

Lalo pang lumakas ang bagyong Onyok, na ngayon ay isa nang severe tropical storm.

Batay sa huling ulat ng PAGASA, itinaas sa signal no. 1 ang Batanes at Babuyan Islands habang inaasahan na aabot sa 30-60kph ang hangin sa loob ng 36 oras.

Asahan umano na magdadala ito ng kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan Valley at Bicol Regoion mula Linggo hanggang Lunes.

Dagdag pa ng weather agency, maliit ang tsansa na mag-landfall sa bansa ang naturang bagyo.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 605 km silangan ng Tuguegarao City.

Taglay ni “Onyok” ang lakas ng hangin na aabot sa 95kph at may pabugsong 115kph.