-- Advertisements --
sea games countdown
SEA Games

Pangungunahan ng mga Filipino sports legends ang nakatakdang get-together at send off na tinawag na “Team Philippines Send-off ng Bayan” ng mga atletang Pinoy na sasabak sa 30th Southeast Asian (SEA) Games sa darating ng Nobyembre 13 sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.

Kabilang dito sina boxing legend Mansueto “Onyok” Velasco Jr, Leopoldo Serantes, bowling Hall-of-Famers Rafael “Paeng” Nepomuceno, Olivia “Bong” Coo, track legend Lydia de Vega-Mercado at Elma Muros ang mamamahagi ng kanilang sekreto para sa kabuuang 1,115 atletang Pinoy.

Mamahagi rin ng kaniyang inspirational words si Philippine Sports Commissioner Ramond Fernandez bilang isang dating miyembro ng national team.

Makakasama rin sa nasabing okasyon si Pangulong Rodrigo Duterte na siyang mangunguna at magbibigay ng inspirasyon sa mga atleta.

Ilulunsad din sa nasabing okasyon ang kanta para sa Team Philippines na gawa ng sikat na singer na si Bamboo.

Huling nag-host ang bansa ng SEA Games noong 2005 kung saan mayroong kabuuang 112 gold medals, 85 silver at 93 bronze medals.

Nakatuon ngayon ang Pilipinas sa combat sports gaya ng Taekwondo, boxing, karatedo, judo, jiu-jitsu, kickboxing, arnis, wushu, wrestling at muay thai.