LAOAG CITY – Hindi pa halos makapaniwala si Engr. Alexis Castillo Alegado sa naging resulta ng 2023 April Civil Engineers Licensure Examination matapos makamit nito ang Top 1.
Ayon kay Alegado, wala sa kanyang isipan na pangunahan ang nasabing eksaminasyon dahil sinubukan niya ang pagsusulit sa abot ng kanyang makakaya at ang makapasa lamang ang kanyang inaasam.
Una rito, sinabi ni Alegado na pangarap niya ang pagiging engineer simula ng bata pa ito.
Sinabi nito na ilan sa mga naging pagsubok sa kanyang pagre-review para sa eksaminasyon ay ang pagod at pagkawala ng pokus.
Samantala, inilahad nito na dahil sa kaniyang pamilya ay nagsumikap itong mairaos ang eksaminasyon.
Si Alegado ay anak ng isang magsasaka at labandera at siya ang pangalawa sa apat na magkakapatid.
Nagtapos ito sa kursong civil engineering noon hunyo ng nakaarang taon at kabilang sa listaan ng mga naging cum laude.
Kaugnay nito, Labis naman ang tuwa at pasasalamat sa panginoon ni Dr. Shirley Agrupis, presidente ng Mariano Marcos State University sa pamamayagpag ng unibersidad sa mga licensure examination at bar examination dito sa Pilipinas.
Ayon kay Agrupis, nag-uumpaw ang natatanggap na magandang balita ng unibersidad dahil sa pinalakas na academic team.
Aniya, palaging may naisasagawang evaluation sa curriculum upang mapalakas ang mga sektor na kahinaan ng mga estudyante kasama ng mga aktibidad na makakatulong sa kanilang propesyon.
Ating pakinggan ang naging bahagi ng pahayag ni Dr. Shirley Agrupis
Una ng napabilang ang Mariano Marcos State University sa Top Performing School sa nakalipas na Physician Licensure Examination matapos maging top 1 din sa eksaminasyon si Dr. Aira Cassandra Castro, graduate ng college of medicine sa nasabing unibersidad.
Kaugnay nito, Top 3 performing school din ang unibersidad sa 2023 Pharmacist Licensure Examination habang nakapagtala rin ito ng Top 12 passer sa nakaarang BAR examination sa ngalan ni Atty. Jether Corpuz.