CENTRAL MINDANAO-Para isulong ang pagtatanim ng abaca , nagsagawa ng Abaca Production and Management Technology Training ang Office of the Provincial Agriculturist o OPAG sa probinsya ng Cotabato.
Umaabot sa 63 na mga magsasaka mula sa Sitio Marva, Taguranao, ng Matalam at sa Sitio Waterfalls, Bongolanon sa Magpet Itinuro sa mga partisipante ang makabago at angkop na teknolohiya sa pagtatanim at pagpoproseso ng abaca fiber para sa mas magandang kalidad at mas mataas na kita.
Ang pagsasagawa ng Abaca Production Training ay bahagi ng High Value Crops Development Program ng OPAG-North Cotabato.
Tumanggap naman ng dekalidad na abaca fibers suckers mula sa OPAG ang mga interesadoong magsasaka.
Sinabi ni Department of Agriculture (DA-12) Regional Executive Director Milagros Casis inaasahan ng OPAG-North Cotabato na mas lalawak pa ang lupaing matatamnan ng abaca sa probinsya na magpapataas sa production ng abaca fiber.
Ang Abaca fiber sa North Cotabato ay naibebenta ngayon ng mula P60 hanggang P120 kada kilo.