-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Tuloy tuloy ang pamimigay ng ayuda at kaalamang teknolohikal hinggil sa organic farming ng Office of the Provincial Agriculturist sa mga magsasaka sa lalawigan ng Cotabato.

Ayon kay Dina Lumogdang, organic focal person ng OPAG na umabot sa 398 na mga benepisyaryo ang tumanggap ng mga organic inputs kasabay ng orientation at seminar.

Naging panauhin sa ginawang distribution bilang representante ni Governor Nancy Catamco si Board Member Maria Krista Piñol-Solis na nagpaabot ng kanyang mensahe ng patuloy na pagtutok ng Catamco administration sa pagpapatatag ng food security, food accessibility, food safety at food affordability ng bawat North Cotabateños.

Ang mga organic inputs na kinabibilangan ng 200 soil organizer, 241 foliar fertilizer at 300 bio insecticide ay nagkakahalaga ng P832, 000 mula sa regular fund ng OPAG at kabilang sa regular program.

Labis namang ikinatuwa ng mga benepisaryo ang tinanggap na ayuda lalo’t higit ang kaalaman kasabay ng pasasalamat kay Gov Catamco dahil sa mas pinag-ibayo pa nito ang pagsusulong ng organic farming sa lalawigan.