-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagsimula nang magsagawa ang Office of the Provincial Agriculturist (OPAg-Cotabato) ng evaluation and assessment sa mga grupo at indibidwal na nanalo sa Young Farmers Challenge (YFC) Provincial Level ng Department of Agriculture (DA) XII.

Ang aktibidad ay naglalayong tingnan at suriin ang mga Business Model Canvass (BMC), Liquidation Report, Initial Report (w/geo-tagged photos), and other accomplishments ng YFC Provincial Winners na pinili ng DA nitong buwan ng Agosto.

Ayon kay Provincial 4H Coordinator Judy Gomez, sa labing anim (16) na BMC at iba pang rekesitos na sasailalim sa ebalwasyon tanging siyam (9) lamang ang pipiliin ng OPAg na magiging opisyal na entry ng probinsya sa YFC Regional Level Competition na isusumite sa Setyembre 19, 2022.

Dagdag pa ni Gomez, na kahapon Setyembre 12 ang kanilang grupo ay tumungo sa bayan ng Makilala, Setyembre 13 ngayong araw sa lungsod ng Kidapawan, Setyembre 14 sa bayan ng Midsayap Cotabato at Pigcawayan. Nasa bayan naman sila ng Banisilan at Kabacan sa Setyembre 15 at sa Setyembre 16 sa munisipyo ng President Roxas at Matalam.

Suportado naman ni Governor Emmylou “Lala” TaliƱo Mendoza ang aktibidad na naniniwalang malaki ang papel na ginagampanan ng mga kabataang agripreneurs sa pagkamit ng kaunlaran ng probinsya lalo na sa larangan ng agrikultura.

Ang mapipiling regional winners ay makakatanggap ng P150,000 na gantimpala mula sa DA na magagamit ng mga kabataang agripreneurs sa pagpapalago ng kanilang sakahan o negosyo.