Ipinagdiwang ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) ang ika-11 taong anibersaryo ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) na isang kasunduan na nakabatay sa mga prinsipyo ng inclusivity, equality, at social justice.
Ang naganap na kasunduan ay nagbigay marka sa makasaysayang pagtanggap ng kapayapaan sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Binigyang diin ni OPAPRU chief Secretary Carlito Galvez Jr. na ang CAB ay sumisimbolo ng pag-asa ng mga Bangsamoro, at nagsisilbing katuparan ng kanilang pangarap na magtayo ng mas maliwanag na kinabukasan para sa kanilang minamahal na bayan.
Habang hinikayat ni Galvez ang lahat ng mga stakeholder nito na magsanib-puwersa upang mapanatili at mapalago ang mga tagumpay sa kapayapaan, pag-unlad, at katatagan, para sa susunod na henerasyon.