-- Advertisements --

Tiniyak ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) at Moro National Liberation Front (MNLF) na iisa lamang ang kanilang layunin at ito ay ang magkaroon ng kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao.

Kaugnay nito ay sinabi ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity na aabot sa mahigit 25 milyong halaga ng mga agricultural machineries and equipment ang kanilang ipinamahagi sa MNLF.

Pormal na isinagawa ang seremonya sa Mindanao State University sa General Santos City.

Ang mga ipinamahagi nito mga kagamitan sa pagsasaka ay binubuo ng walong tractors, anim na rice combine harvesters, corn sheller, at iba pang mga makina .

Ang hakbang na ito ay bilang bahagi ng transformation program ng gobyerno para sa mga magsasaka.

Ito ay alinsunod sa socio-economic provisions ng 1996 Final Peace Agreement sa MNLF na naglalayong magbigyan ng maayos na pamumuhaya ng mga MNLF combatant maging ang kanilang mga pamilya .