-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Ina-activate na ng Department of Health o DOH-Caraga ang kanilang operations center simula nang ipatupad ang code white alert dahil sa lumaganap ng sakit na mpox sa iilang bansa sa buong mundo.
Ayon kay Dr. Dioharra Aparri, ang Medical Officer IV at head ng Health Program Support Team ng DOH-Caraga, tatagal ang nasabing alerto sa Disyembre ngayong taon.
Dahil dito’y istrikto na ang monitoring ng mga kaso ng mpox at nakipag-ugnayan na sila sa national level gaya ng Bureau of Quarantine para sa paghihigpit sa lahat ng mga point of entries nitong rehiyon.
Sa pamamagitan nito’y, ma-monitor din ang mga mula sa mga bansang may kaso na ng mpox.