-- Advertisements --
Nagkasundo ang Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na bawasan ng 9.7 million barrels ng langis ang kanilang ginagawa simula sa Mayo 1.
Kasunod ito sa patuloy na pagsadsad ng presyo ng langis ng maglunsad ang Russia at Saudi Arabia ng kanilang price war.
Bumaba kasi ang pandaigdigang demand ng langis matapos na mahigit 3 billion katao ang naka-lockdown dahil sa coronavirus pandemic.
Magtatapos ang pagbabawas ng 9.7 million barrels ng hanggang Hunyo.