Ipinapasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pansamantalang open dumpsite sa General Luna, Siargao.
Naglabas na ang DENR ng cease and desist order laban dito nitong linggo lamang.
Inaatasan ang lokal na pamahalaan na magkaroon ng residual containment areas sa bawat barangay kung saan maaring pansamantalang itambak ang mga non-biodegradable at non-recyclable trash hanggang sa magkaroon na ng available na sanitary landfill.
Ayon kay General Luna Mayor Veronico Solloso, inaasikaso na ng lokal na pamahalaan ang pagkakaroon ng permanent dumpsite sa lugar.
Maliban sa pagpapabuti sa waste disposal system, babantayan din ng DENR at ng mga lokal na opisyal ang mga establisiyemento na lumalabag sa 20-meter easement zone at kung sinuman ang mayroong environmental compliance certificate.