Naging magarbo ang opening ceremony ng 2024 Paralympic Games sa Paris.
Ito kasi ang kauna-unahang Paralympic Games na ginanap sa Paris.
Nasa 4,400 na atleta mula sa iba’t-ibang bansa ang lumahok para sumabak sa 22 sports.
Nakibahagi sa parada ang 168 delegasyon sa kilalang Place de la Concorde at Champs-Elysees sa harap ng ilang libong mga nanood.
Sa unang bahagi ng parada ay makikita ang Phryge taxi na minaneho ni French Paralympic hero Theo Curin.
Ang pulang kotse na minaneho ng French Paralympic swimmer na tinadtad ng mga Paralympic mascots.
Naghiyawan ang mga audience ng pumasok na ang Refugee Paralympic Team sa Place de la Concord na pinangunahan ng flagbearer Guillaume Junior Atangana.
Ang RPT ay binubuo ng walong atleta na lalahok sa anim na sports na kinabibilangan ng Para athletics, powerlifting, table tennis, taekwondo, triathlon at wheelchair fencing.
Tumogtog ang DJ ng electronic music kung saan naging makulay ang parada dahil na rin sa mga matitingkad na kasuotan ng mga lumahok.
Nagkaroon din ng airshow ang fighter jet ng France kung saan nagbuga pa ito ng usok na may kulay ng watawat ng nasabing host country.