Hindi natinag ang ilang milyong mga katao na nanood ng pormal na pagbubukas ng 2024 Paris Olympics.
Nagdala ng mga payong at kapote ang karamihan para masaksihan ang makasaysayan at kakaibang pagbubukas ng Olympics na ginaganap sa River Seine.
Hindi gaya sa mga nakagawian na sa mga stadium ito ginaganap ngayon ay sa River Seine kung saan nakasakay sa mga bangka ang mga kalahok habang pumaparada.
Magkatabi naman sina French President Emmanuel Macron at International Olympic Committee (IOC) President Thomas Bach para panoorin ang parada.
Gaya ng tradisyon ay mauuna sa parada ang pagparada ng Olympic Torch na sinundan ng barko ng Greece dahil doon nagsimula ang makasaysayang Olympics.
Aabot sa 10,500 ang atleta ng Greece na pinangunahan nina NBA superstar Giannis Antetokounmpo at two-time Olympian race walk Antigoni Ntrismpioti.
Pinatunog din ang kampana sa kauna-unahang pagkakataon ng Norte-Dame de Paris Cathedral.
Ito ang unang pagkakataon na tumunog ang kampana mula ng matupok ng apoy noong Abril 2019.
Nanguna naman ang singer na si Lady Gaga sa pagkanta sa Opening ceremony.
Kinanta niya ang “Mon truc en plumes” ng iconic French artist Zizi Jeanmaire.
Sumunod naman nagtanghal ay ang 28-anyos na singer na si Aya Nakamura.
Ilan sa mga nagtanghal ay ang mga kilalang modelo naglakad kung saan kilala ang Paris sa iba’t-ibang fashion.