Naging makulay at napuno ng fireworks ang opening ceremony ng 2022 FIFA World Cup sa Qatar.
Matapos ang opening speech ni Sheikh Tamim bin Hamad Al-Thani ang Emir ng Qatar ay pinakita ang mga pailaw at mga fireworks na sinundan ng mga pagpapakita ng mga watawat ng mga bansang kasali, mascots at ang mga jerseys ng mga koponan.
Dinasal din ang Holy Quran na isinagawa ni Ghanem Al-Muftah na isang 20-anyos na Qatari na isinilang na mayroong Caudal Regression Syndrome (CDS) may sakit na hindi nabuo ang kaniyang lower spine.
Mas sumaya ang mga nanood sa Al Bayt Stadium sa Al Khor ng lumabas si Korean boy group member na BTS na si Jung Kook.
Kinanta nito ang official world cup song na “Dreamers” kasama si Qatari singer Fahad Al-Kubaisi.
Kinuha rin bilang narrator ang beteranong actor na si Morgan Freeman.
Lumabas din sa nasabing ceremony ang mga mascots ng mga nagdaang FIFA World cup at pinatugtog ang mga themesongs ng nagdaang World Cup.
Nagtala rin ng record ang FIFA sa kita sa opening ceremony kung saan mayroong aabot sa $7.5 bilyon ang kita na 1 bilyong mas mataas kaysa sa 2018 sa Russia.