CENTRAL MINDANAO-Magandang mga pailaw at fireworks display ang sumalubong sa mga Matalameño bilang hudyat ng pagsisimula ng Sallah-mat Festival sa bayan ng Matalam Cotabato.
Pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang aktibidad kasama ang mga opisyales at ibang kawani ng lokal na pamahalaan ng bayan sa pangunguna nina Matalam municipal Mayor Oscar M. Valdevieso at Vice-Mayor Ralph Ryan “Rap-Rap” Rafael.
Isa sa naging highlights ng aktibidad ay ang Parol Making contest na nilahukan ng ibat-ibang organisasyon at ang engrandeng fireworks display na nagbigay kulay sa buong municipal hall ng nasabing bayan.
Ipagdiriwang ng bayan ng Matalam ang kanilang ika-61st na taong pagkatatag at Sallah-mat Festival simula Dec 8 hanggang sa kanilang Culmination Day sa December 29, 2022.
Nakiisa rin sa aktibidad si Cotabato Police Provincial Director Harold S. Ramos at sina 3rd district Board Members: Ivy Dalumpines-Balitoc at Jonathan Tabara.