-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagdulot ng takot sa mga residente ang sunod-sunod ng putok ng baril sa ginanap na opening of lights sa pasko sa Cotabato City nitong gabi ng Martes.

Ilang saglit lang bago ang countdown at sabay-sabay na binuksan ang mga ilaw sa City Plaza ng biglang may nagpaputok ng armas.

Agad ngtakbuhan ang mga dumalo sa programa na karamihan ay mga bata na lumahok sa patimpalak.

Pati si Cotabato City Mayor Datu Bruce Matabalao, mga City Councilors ,mga deputy Mayors at ilang kilalang bisita ay agad pinadapa at pilibutan ng kanilang Security escort at dinala sa ligtas na lugar.

Dumating agad ang pulisya,militar at SWAT team upang mag-imbestiga at upang siguraduhing ligtas ang lugar.

Sa ngayon ay hindi pa alam kung sino at saan galing ang mga nagpaputok kung saan maswerteng walang nasaktan sa insidente.

Narito ang panawagan ni Mayor Matabalao;

Kung may mga kakilala kayong kasama sa mga nanood sa Lighting Activity kanina sa City Plaza lalo na sa mga bata, matanda, at babae na nasaktan dahil sa nangyaring gulo dulot ng putok ng baril, mangyari pong ipagbigay-alam agad sa aking opisina. SAMA-SAMA TAYONG PATULOY NA MAGDASAL PARA SA KATIWASAYAN NG MAHAL NATING LUNGSOD.