-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nangako ang local government unit ng Dumangas, Iloilo na hindi na mauulit pa ang pagdagsa ng mga tao sa plaza na nanonod ng Christmas lights kung saan hindi na nasunod ang health protocol.
Ito’y matapos pinahinto ang aktibidad matapos hindi na nakontrol ng mga pulis ang pagbuhos ng libo-libong katao na para lang sana sa mga empleyado ng Dumangas Municipal Hall.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo Mayor Ronaldo Golez, sinabi nito na hindi na napigilan pa ang pagdami ng tao dahil nasasabik na ang mga ito sa nasabing aktibidad.
Tumagal naman ng kalahating oras ang aktibidad at minabuti na ipapatay na lang ang mga ilaw upang umuwi na ang mga tao kung saan ang iba sa mga ito ay hindi pa nakasuot ng face mask.