-- Advertisements --

Sa gitna ng tumataas na kaso ng Covid-19 at nasa Alert Level 3 status ang Iloilo City,matagumpay ang ginanap na opening salvo ng Dinagyang 2022.

Bagamat limitado lang ang mga aktibidad online dahil pinagbabawal ang mass gatherings,inaasahan na maging trendsetter muli ang festivity na sinasagawa sa gitna ng pandemya.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na tinututokan ngayon ang pag-promote sa social media accounts at hindi na ipinaalam ang venues upaang mas maengganyo ang mga Ilonggo na manood na lang online ng mga aktibidad sa Dinagyang 2022.

Napag-alaman na sa opening salvo kahapon , nalabag ang protocol sa physical distancing matapos dumagsa ang mga tao sa venue sa harap mismo ng Iloilo City Hall.