Palaisipan sa fans ni 2021 Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez kung makulay na nga ba uli ang kanyang lovelife.
Ito’y halos tatlong buwan mula nang makumpirma na hiwalay na si Beatrice sa kanyang longtime girlfriend.
Ngayong araw lang kasi nang mag-post ang 26-year-old Cebuana beauty ng larawan nito kasama ang isang lalaki.
Ngunit imbes na magka-holding hands, sila ay naka-“arm in arm” at kapwa nakasuot ng kulay itim na tila kuha sa isang high end hotel sa BGC.
Tanging “Valentine’s Day” ang maiksi nitong caption sa naturang larawan na sinundan ng kulay itim na heart emoji.
Tulad ng kanyang ex girlfriend of six years na si Kate Jagdon, isa ring disk jockey ang sinasabing bagong boyfriend nito nagngangala daw na John Odin.
Nabatid na hindi binanggit ni Kate kung ano ang naging dahilan ng pagtatapos ng mahigit na anim na taon na relasyon nila ni Bea na unang umingay noong 2020 matapos ianunsyo ng huli sa Binibining Cebu na mayroon nga siyang karelasyong babae.
Kung maaalala, Top 5 finish ang nakamit ni Gomez sa 2021 Miss Universe na ginanap sa Israel.
Kilala siya sa pagiging bukas nito bilang miyembro ng “LGBT” community, “pure blooded” Pinay, at isa ring atleta.