-- Advertisements --
Lloyd Webber
Lloyd Webber/ IG post

Nanguna pa rin si Broadway composer Lloyd Webber sa pinakamayamang musician sa United Kingdom.

Sa inilabas na listahan ng Sunday Times Rich List, mayroong kabuuang yaman ito ng mahigit 820 million euros o mahigit $1 billion.

Nakilala si Webber sa mga nagawa nitong kanta na ginamit sa Broadway show na “Cats”, “Evita” at “Phantom of the Opera”.

Pumangalawa naman si Beatles legend Paul McCartney na may kabuuang yaman na 750 million euros habang nasa pangatlong listahan ang Irish band na U2 na mayroong kabuuang yaman na 583 million euros.

Nasa pang-apat na puwesto naman si Elton John na may 320 million euros, panglima ang mga miyembro ng Rolling Stones na sina Mick Jagger at Keith Richards.