Inireklamo ng sexual harassment ang beterano at sikat na opera singer na si Plácido Domingo.
Pawang mga singers at dancers ang walong babaeng nagreklamo laban sa Spanish tenor.
Ayon sa isa sa nagreklamong mezzo-soprano singer Patricia Wulf, bigla na lamang nanghihipo si Domingo.
Tinawag naman ni Domingo na imbento lamang ang reklamo sa kaniya.
Lahat aniya ng mga ginagawa nitong pagyakap at pagyapos sa mga nakakasama niyang babae ay may paalam.
Marami aniyang magpapatunay na hindi siya isang uri ng tao na nananakit.
“I recognise that the rules and standards by which we are and should be measured against today are very different than they were in the past,” ani Domingo sa kanyang statement. “I am blessed and privileged to have had a more than 50-year career in opera and will hold myself to the highest standards.”
Kasalukuyang general si Domingo ng Los Angeles Opera at sa Washington National Opera.
Regular na nagtatanghal ang 78-anyos sa London.
Dahil sa insidente ay hindi na niya itinuloy ang pagtanghal sa Setyembre 18 kasama sa Philadephia Orchestra opening night concert.
Kasal ito sa pangalawang asawa na si soprano singer Marta Ornelas noong 1962.