Kinansela ni opera singer Placido Domingo ang pagtanghal nito sa isang cultural event sa nakatakdang Tokyo 2020 Olympics.
Sinabi nito na kaya siya nagkansela ay dahil sa naging kumplikado ang kaniyang schedule.
Nanghihinayang ito sa hindi pagsali dahil isang magandang palabas ang nabanggit na cultural event na gaganapin sa Abril 2020.
Hindi naman nito binanggit na ang pag-atras ay bunsod sa mga sexual abuse case na kaniyang kinakaharap.
Magugunitang inireklamo ito ng 20 babae na kaniyang sapilitan umanong hinalikan at hinawakan sa maseselang bahagi ng katawan.
Dahil na rin sa nasabing reklamo ay maraming mga konsyerto nito ang kinansela gaya sa New York’s Metropolitan Opera ganon din ang pagbaba nito bilang general director ng sikat na Los Angeles Opera.