-- Advertisements --
Placido Domingo
Placido Domingo

Nadapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang opera singer na si Placido Domingo.

Sinabi nito na nakaranas siya ng ubo at trangkaso at nang isailalim sa testing ay nagpositibo ito.

Kasalukuyang itong naka-isolate at maging ang kaniyang pamilya.

Lumabas ang nasabing pag-amin nito na nadapuan ng virus ilang araw matapos na ito ay nagbigay ng donasyon na $500,000 para sa relief fund at makatulong sa panahon ng krisis.

Magugunitang inireklamo na rin ang opera legend noong nakaraang taon dahil sa pangmomolestiya umano sa ilang mga kababaihan.