CENTRAL MINDANAO-Naglunsad ng malawakang operasyon ang Cotabato Police Provincial Office (CPPO-Cotabato) laban sa tari-tari o ilegal na sabong.
Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Henry Villar na sa panahon ng pandemya ay mahigpit na pinagbabawal ang sabong-sabong.
Sa Brgy Upper Glad 2 Midsayap Cotabato ay ni-raid ng Midsayap PNP ang isang tari-tari kung nagpungasan sa pagtakbo ang mga sabungero.
May mga nahuli,may mga naiwan na mga motorsiklo at tsinelas sa mga sabungero na tumakas nang dumating ang mga pulis.
Mahaharap sa kaso ang mga nahuli at may multa pa na hindi bababa sa P30,000.00.
Una nang nagbabala ang DILG sa mga opisyal ng Barangay na sangkot sa pasabong at walang nagawang aksyon sa kanilang lugar na siguradong mahaharap sa kaso at maaring matanggal sa puwesto.