-- Advertisements --

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang pagbabago sa kasalukuyang set-up ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) lalo na sa operasyon laban sa New Peoples Army (NPA).

Ito ay kasunod ng paglagda ng GRP at NDF panels ng interim joint ceasefire agreement sa isinasagawang peace negotiations sa the Netherlands.

Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla na hanggat walang kautusan mula sa kanilang commander-in-chief ay hindi nila ititigil ang kanilang operasyon.

Sinabi ni Padilla na magiging epektibo lamang ang nasabing kasunduan kapag natapos na at na approve ang mga gagawing ground rules and guidelines.

Sa ngayon tuloy pa rin ang operasyon ng militar laban sa rebeldeng NPA at walang suspension of military operations.

Sa kabilang dako ayon kay AFP public affairs office chief, Col. Edgard Arevalo na wala pa namang ceasefire declaration ang pamahalaan kaya’t hindi pa magpapalabas ng suspension of military operations o SOMO order ang militar.

Nilinaw ng opisyal na bagama’t pinapahalagahan ng militar ang prosesong pangkapayapaan, mandato pa rin ng AFP na supilin ang mga armadong grupo, panatilihin ang kapayapaan sa mga komunidad at ipagtanggol ang mga mamamayan.

Sinabi pa ng opisyal na umaasa ang AFP na mapaplantsa na ng mga negosyador ang mga alituntunin at kondisyon na ultimong hahantong sa isang deklarasyon ng permanenteng tigil putukan.