-- Advertisements --

Ipinapatigil ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang operasyon ng 12 onine lending companies sa bansa.

Ito ay matapos matuklasan ng SEC na kulang ang kanilang mga dokumento para mag-operate.

Bukod sa kakulangan ng mga papeles ay umabot din sa kaalaman ng SEC ang ginagawang pang-aabuso ng kanilang pangongolekta sa mga pautang.

Inihalimbawa rito ang pagpapadala ng mga text messages na naglalaman ng pamamahiya sa kanilang kliyente na naantala ang paniningil.

Ang nasabing mga nasa listahan na pinapatigil na operasyon ay ang: A&V Lending Mobile, Cashaku, Cashaso, Cashenergy, Happy Loan, Peso Pagasa, Phily Kredit, Rainbow-Cash, A&V Lending Investor, A.V. Lending Corp, Vito Lending Corp at Rainbowcash.ph Lending Corp.