-- Advertisements --
Suspendido muna ang operasyon sa dalawang tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) matapos magpositibo sa coromavirus disease 2019 (COVID-19) ang 12 sa kanilang mga staff.
Sa isang pahayag, sinabi ng LTO na tigil operasyon hanggang Biyernes ang kanilang Central Office at ang Quezon City Licensing Office upang magbigay daan sa disinfection ng nasabing mga tanggapan.
Sumailalim na rin daw sa reverse transcription – polymerase chain reaction (RT-PCR) test ang mga empleyado nilang infected ng COVID-19 at hinihintay na lamang daw ang confirmatory results.
Samantala, bukas araw ng Huwebes, sasailalim din sa COVID-19 test ang lahat ng mga empleyado ng dalawang tanggapan ng LTO.