-- Advertisements --

Pansamantalang sinuspinde ng Maritime Industry Authority o MARINA ang operasyon ng dalawang pampasaherong barko bilang bahagi ng kanilang pinaigting na Compliance Monitoring operations.

Sinimulan ng ahensya ang pagsasagawa ng kanilang operasyon mula pa noong Abril 2 at magtatapos hanggang Abril 12 ngayong taon.

Paliwanag ng MARINA , natukoy ito na mayroong safety deficiencies matapos ang isinagawang inspection ng kanilang mga tauhan.

Ayon sa ahensya, layon ng hakbang na ito na tiyaking ligtas ang mga pasahero at tiyaking sumusunod ang mga barko sa tamang maritime regulations.

Sa isang pahayag ay sinabi ni MARINA Administrator Sonia B. Malaluan, nananatili ang kanilang commitment sa pagbibigay ng seguridad sa publiko.

Papayagan namang muli na mag operate ang naturang mga barko kapag naayos na nito ang kanilang mga safety issues at naberipika na ng mga MARINA inspectors.

Kapag paulit – ulit ang paglabag ng mga ito ay maaaring magresulta sa tuluyang pagpapatigil ng kanilang operasyon.