Nagpapatuloy pa rin ang operasyon ng online sabong sa kabilang ng pagbabawal na ipinatupad ng nakaraang administrasyon.
Inamin ito ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman at CEO Alejandro Tengco sa pagdinig ng Senado ng tanungin kung may plano ang PAGCOR na buhayin ang e-sabong.
Tugon ng opisyal na hindi pa nila pinag-aaralan ito sa ngayon.
Mayroon aniyang ilang variations sa mga regulasyon na maaaring pag-aralan subalit ayaw niyang pangunahan ang desisyon ng sinuman kaugnay sa usapin.
Sinabi din ng opisyal, ang problema ay hindi nareregulate ang online sabong at nakakalungkot pa dito ay walang nakukuhang ni centavo ang gobyerno.
Noong ang PAGCOR pa ang nagreregulate sa e-book sabong nakakalikom ito ng halos P6.5 bilyon na bayad sa lisensya noong 2021.
Noong Mayo 2022, iniutos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang mga operasyon ng e-sabong dahil sa hindi mabuting epekto nito sa lipunan.
Naging kontrobersiyal naman noong 2022 ang e-sabong kasunod ng pagkawala ng dose-dosenang sabungero at iba pa na sangkot sa naturang aktibidad. Ang mga kaso ng mga nawawalang sabungero ay hindi pa nareresolba makalipas ang 2 taon.