-- Advertisements --
Naantala ng ilang oras ang operasyon ng Hong Kong International Airport nitong Linggo dahil sa kilos protesta.
Hinarangan kasi ng ilang libong protesters ang mga daan patungo at palabas ng paliparan.
Agad namang pinalayas ng mga kapulisan ang mga protesters kung saan nagbato pa ang mga ito ng petrol bombs kaya napilitan ang mga kapulisan na gumamit ng water cannon at tear gas.
Ito na ang pang-13 linggo na ginaganap ang kilos protesta na ilang indibidwal na rin ang kanilang inaresto.