Ipinag-utos ng pamunuan ng Securities and Exchange Commission ang agarang pag papahinto sa operasyon ng ilang finance at lending firms sa bansa .
Ayon sa ahensya, ito ay matapos na mabigo ang mga ito na magsumite ng kaukulang requirements na naaayon sa Financial Consumer Products and Services Consumer Protection Act.
Tinukoy ng SEC ang mga kumpanya na 9F Lending Philippines Incorporated, Elending Lending Inc., Hovono Lending Corporation, Makati Loan, Inc.; Second Pay Financing Inc,; at Tekwang Lending Corp na kabilang sa kanilang mga nasampulan at pinatawan ng cease and desist orders.
Binigyang diin ng naturang regulatory body na ang mga nabanggit na kumpanya ay hindi tumalima sa mga panuntunan na nakasaad sa Memorandum Circular and Orders katulad na lamang ng Impact Evaluation report.
Hindi rin umano sumunod ang mga ito sa tamang pagkakaroon ng official e-mail and contact number, disclosure of advertisements at iba pang mga paglabag.
Kaugnay nito ay inatasan rin ng SEC ang mga may-ari,operator at mga empleyado ng naturang mga financing at lending company na huwag nang ipagpatuloy ang kanilang negosyo.