-- Advertisements --
Balik na normal na muli ang operasyon ng Light Rail Transit 2 (LRT-2) nitong umaga matapos na magbanggaan ang dalawa sa coaches nito noong Mayo 18 ng gabi.
Nagbanggaan ang dalawang coaches ng LRT-2 sa pagitan ng Cubao at Anonas stations sa Quezon City.
Aabot sa 34 katao ang nagtamo ng mga sugat dahil sa pangyayaring ito.
Samantala, sinabi ni LRT spokesperson Hernando Cabrera nitong araw na ang banggaan ng dalawang bagon ng tren ay nangyari matapos na gumalaw sa kanyang pocket track ang isang tren kahit walang driver.
Gayunman, pagkatapos ng insidente ay tiniyak ni Cabrera sa publiko na ang LRT-2 management at ginaganawa ang lahat upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero nito.