-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na tigil muna ang operasyon ng Light Rail Transit Line-1 (LRT1) para bigyang daan ang annual maintenance nito kasabay na rin ng Semana Santa sa Abril 14 na magtatagal hanggang Abril 17.

Ito ay para patuloy na mabigyan ng ligtas at maasahang transportation system ang mga mananakay.

Ayon sa LRMC, susundin pa rin ang regular operating hours ng LRT1 mula Abril 11 hanggang 13 kung saan ang unang biyahe ay aalis ng alas-4:30 ng umaga habang ang last trip naman mula Baclaran Station ay alas-9:15 ng gabi at alas-9:30 ng gabi naman mula sa Balintawak Station.

Magbabalik sa normal ang operating hours ng LRT1 sa Abril 18.

Nauna na ring nag-anunsiyo ang pamunuan ng MRT3 na pansamantalng suspendi ang kanilang operasyon mula Abril 13 hanaggang 17 upang bigyang daan ang isasagawang taunang maintenance.

Ibabalik ang normal operAtions nito sa Abril 18.