-- Advertisements --

Wala pa ring katiyakan kung kailan babalik sa normal ang operasyon ng Mactan Cebu International Airport (MCIA) matapos ang pananalasa ng bagyong Odette.

Sa social media advisory ng nasabing paliparan na nagsasagawa pa sila ng damage assement at paglilinis sa mga debris para matiyak na ligtas ang ang mga pasahero.

Pinayuhan nila ang mga pasahero na huwag muna magtungo sa paliparan hanggang makabalik na sa normal ang mga flights.

Nauna rito nitong Disyembre 16 ng gabi ay sinuspendi na ng nasabing paliparan ang kanilang operasyon bago ang pananalasa ng bagyong Odette.