-- Advertisements --
MRT3

Inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na balik na sa normal ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3).

Nauna nang sinuspinde ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ang operasyon nito ngayong umaga dahil sa technical problem sa isa sa mga istasyon nito, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ng MMDA na nangyari ang technical problem sa Shaw Boulevard Station.

Nakipag-ugnayan na sa sitwasyon ang MMDA Road Emergency Group at Director Francis Martinez para sa posibleng tulong sa transportasyon.

Nagsimula umano ang suspension of operations dakong 5:40 a.m at naibalik ang operasyon pagdating ng alas-6:58 ng umaga.

Naganap ang insidente dahil marami ang bumalik sa kanilang trabaho pagkatapos ng apat na araw na All Saints’ Day weekend.