-- Advertisements --

Inanunsyo ng pamunuan ng Department of Migrant Workers na balik normal na ngayon ang operasyon ng lahat ng kanilang mga data servers.

Kung maaalala, biglang bumagal ang kanilang portal kaninang umaga.

Batay sa Management Information and Technical Services ng kagawaran, naging matagumpay kasi ang ginawang restoration ng server portal .

Nagkaroon kasi aniya ito ng problema sa power servers nito.

Kaugnay nito ay humingi naman ng paumanhin at pag-unawa ang DMW dahil sa pagka delay ng mga online issuance ng Overseas Employment Certificates (OECs) sa NAIA terminals para sana sa mga papaalis na OFWs.

Dinagdagan naman ng ahensya ang kanilang tauhan para magbigay ng asestensya sa mga paliparan sa bansa.