-- Advertisements --
Itogon Benguet 1
Itogon Map

BAGUIO CITY – Umaapela ang Benguet Mining Corporation sa Cordillera Regional Law Enforcement Coordinating Committee at sa Department of Environment ang Natural Resources-Cordillera para mapatigil ang operasyon ng mga umano’y iligal na small-scale mining sa Itogon, Benguet.

Partikular na ninanais ng korporasyon na maipatigil ang lantarang operasyon ng mga small-scale mining sa Acupan, Gumatdang at Antamok, Itogon, Benguet.

Sinabi pa ng kompanya na ginagawa nila ang kanilang tungkulin para sa tamang proseso ng pagmimina sa Benguet lalo na sa pagkontrol at pagpigil sa operasyon ng mga small-scale mining.

Idinagdag ng kumpanya na dahil sa operasyon ng mga iligal na minero ay naaapektuhan ang mga aktibidad na kanilang isinasagawa na para sa kabutihan ng karamihan.

Maaalalang pagkatapos ng pananalasa ng Bagyong Ompong noong nakaraang taon ay ipinag-utos ng pamahalaan ang pagpapatigil sa operasyon ng lahat ng small-scale mining sa Cordillera Administraive Region ngunit maraming mga small scale miner ang bumalik sa pagmimina dahil sa kawalan ng hanapbuhay.