CENTRAL MINDANAO – Nanawagan ngayon si Maguindanao 2nd District Congressman Esmael”Toto”Mangudadatu kay Pangulong Rodrigo Duterte na itigil muna ang Law Enforcement Operation ng Joint Task Force Central laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Sa pinadalang liham ni Mangudadatu sa palasyo,binigyang diin nito ang libo-libong pamilya na naapektuhan ng surgical strike ng militar sa SPMS Box,Liguasan Delta at hangganan ng Maguindanao at North Cotabato.
May mga bakwit na ang nagkakasakit sa mga evacuation center,pati mga pananim nila ay nasira sa operasyon at apektado ang kanilang negosyo o pangkabuhayan.
Hiniling ni Mangudadatu kay Pangulong Duterte na atasan ang Moro Islamic LiberationFront (MILF) na mamagitan sa isang diyalogo o mapayapang negosasyon sa BIFF.