Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority MMDA na nababawasan na ang mga pasaway na motorista na nahuhuling dumadaan sa EDSA Bus Lane.
Batay sa datos ng MMDA, bumababa na ang ang kanilang nahuhuling pasaway na mga motorista na dumadaan sa EDSA Bus Lane kung dati kasi ay umaabot sa dalawang daan na violators kada-araw, ngayon ay umaabot nalang ito sa isang daan.
Ayon kay Gabriel Go- Deputy Officer In-Charge, Special Operation Group ng MMDA ito ay dahil sa pinaigting na operasyon ng ahensya laban sa mga pasaway na mga motorista na dumadaan sa naturang kalsada, at pati na rin ang mataas na multa sa mga ito.
Gabriel Go- Deputy Officer In-Charge, Special Operation Group, MMDA Bukod sa bus lane puspusan pa rin ang operasyon ng strike force sa mabuhay lane dahil sa nalalapit na kapaskuhan, lalo’t tumaas na sa 409,000 ang bilang ng mga motorista ang dumadaan sa Edsa ngayon kumpara sa 405,000 noong pre-pandemic.
Gayunman, wala pa ring abiso ang MMDA kung aalisin naba ang window hours sa number coding scheme ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.