-- Advertisements --

Wala munang mangyayaring panghuhuli sa motorcycle taxi na mananatili sa pamamasada.

Ipagpapatuloy pa raw kasi ang pag-aaral ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pilot testing ng motorcycle taxi operations.

Una rito, sinabi ni retired Maj. Gen. Antonio Gardiola, pinuno ng technical working group ng Department of Transportation (DOTR), na napakaraming isyu na hindi maresolba kaya nagdesisyon silang ipatigil na lamang ito.

Pero ikinainis ni Senate committee on public services chairperson Sen. Grace Poe ang pahayag na iyon ng mga opisyal ng LTFRB at DOTR, dahil tila hindi raw ikinonsidera ang sentimiyento ng mga mananakay at maging ng libu-libong bikers.

Kumambyo lang sa kanilang statement ang DOTR officials nang makiusap si Sen. Bong Go na irekonsidera ang nasabing pasya at ituloy muna ang pag-aaral sa pilot testing ng motorcycle taxis.

Tiniyak naman ni Angkas president George Royeca at ng iba pang kompaniya na makikipag-cooperate sila sa mga ahensya para sa kapakanan ng kanilang biker patrners at riding public.